Go, nababahala sa pagpasok ng Indian variant sa PH, pero….

Nababahala si Sen. Bong Go matapos kinumpirma ng DOH na nakapasok na sa Pilipinas ang Indian variant ng COVID-19, kung saan ito umano ay posibleng mas nakakahawa at mas malubha ang epekto sa tao.

Sa kabila nito, binigyang diin ni Go na hindi kailangang magpanic ang publiko dahil ginagawa ng gobyerno ang lahat upang matugunan ito.

Read More:  Lightning strike hits divers’ pumpboat near Nogas Island in Antique

Pero sa gitna nito, pinayuhan rin ng senador ang mga tao na huwag magkumpyansa, dahil sa kabila na on top of the situation ang gobyerno, mahalaga parin umano ang kooperasyon ng bawat isa upang malampasan ang naturang hamon.

Read More:  Newborn baby found abandoned in Cebu without clothing

At bilang Chairman ng Senate Committee on Health, muling iginiit ni Go ang panawagan ng mga eksperto na kailangang mas lalong higpitan ang pagpapatupad ng mga itinakdang health protocols, border controls, disease surveillance measures, at mandatory quarantine lalo na sa mga pumapasok sa bansa para maiwasan ang pagkalat ng mga bagong variants ng COVID-19.