Naghain si dating senator at defeated vice presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr, ng motion for reconsideration na humihiling sa Presidential Electoral Tribunal na isantabi ang kanilang desisyon na nagbasura sa kanyang poll protest laban kay Vice President Leni Robredo, noong February 16, 2021.
Kaugnay nito, hiniling ni Marcsos na magsagawa ang isa pang preliminary conference para sa third cause of action; at tumuloy na presentasyon ng mga ebidensya para sa third cause of action, o ang pagpapawalang bisa sa election results sa Lanao Del Sur, Maguindanao, at Basilan.
Giit ng defeated vice presidential bet, nagkamali lang ang PET nang ibasura nila ang third cause of action, dahil ito umano ay hiwalay at independent mula sa pangalawa.
Giit nito, ang aplikasyon sa Rule 65 ng PET, ay mali para sa kanyang kaso.
Sa ilalim ng Rule 65 ng Tribunal Rules, ipinag-uutos ang dismissal sa protesta kung ang resulta ng revision at appreciation ng mga balota sa pilot provinces, ay hindi suportado sa alegasyon ng fraud o iregularidad. // MHEL PACIA
