Go, iginiit ang kahalagahan ng pagkakaroon ng programa na poprotekta sa mga kabataan

Binigyang-diin ni Senador Christopher Bong Go ang kahalagahan ng paggawa ng mas matibay na children protection program.

Ayon kay Go, obligasyon ng gobyerno na siguruhin na ang mga kabataang Pilipino, na isang vulnerable sector, ay napoprotektahan sa lahat ng pagkakataon.

Sa nagdaang courtesy call, sinabi ni United Nations (UN) special rapporteur on the sale and sexual exploitation of children Mama Fatima Singhateh na ang Pilipinas ay nananatiling primary source ng child trafficking, sale, sexual abuse, forced marriage at forced labor.

Nagpahayag din ng pagkabahala si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla kaugnay sa tumataas na kaso ng Online Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC).

Sa huli, pinagtibay din ni Go ang apila ni Pangulong Bong Bong Marcos na mas pagtibayin pa ang government interventions kontra child exploitation and violence. // SMM

RELATED STORY:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *