Poor financial literacy sa bansa, sanhi ng mabagal na paglago ng insurace industry sa bansa

Ang pagkakaroon ng poor financial literacy sa Pilipinas ang siyang nagiging dahilan ng pagbagal ng paglago ng Philippine insurance industry, ayon sa Insurance Commission (IC).

Sa isang forum, sinabi ni IC Deputy Commissioner Ferdinand George “Bong” Florendo na ayon sa impormasyon mula sa World Bank, ang Pilipinas ay nahuhuli sa iba pang bansa sa Southeast Asian pagdating sa financial literacy.

Ang Plipinas ay mayroon lamang na 25% financial literacy rating, kumpara sa 59% ng Singapore.

Sinabi ni Florendo na ang mababang lebel na ito ay nakakapag-contribute sa sa usad-bagong na paglago ng insurance industry sa bansa.

Dagdag pa niya, sa usaping pang-ekonomiya naman, ang paglaganap ng kahirapan sa Pilipinas ang siyang nasa likod ng mababang financial literacy ng mga Pilipino.

Samantala, patuloy umano ang IC sa paggawa ng mga hakbang upang mas mapabuti ang lebel ng financial literacy sa bansa, maging ang insurance penetration rate nito. // SMM