Gluta drip session sa Senado – posibleng silipin ng Ethics Committee

Posibleng pag-aralan na rin mismo ng Senate Committee on Ethics and Privileges ang kontrobersyal na ‘drip anywhere’, ‘o ‘yung deleted post ni Mariel Rodriguez-Padilla ng pagpapa-gluta drip sa opisina ng kaniyang mister na si Senador Robinhood Padilla.

Sa isang panayam, sinabi ng chair ng Kumite na si Senadora Nancy Binay na sisilipin na rin nila ang naturang insidente.

Read More:  NBI subpoenas four in alleged Bato escape probe

Aniya, pag-aaralan daw nila kung ano ang naging mali sa insidente, at kung may pananagutan ba ang actress-host, lalo na’t ‘di naman ito miyembro ng Senado, at hinid sakop ng Ethics Committee.

Sa kabila niyan – nanindigan si Binay na hindi tamang ginawa ito sa loob mismo ng isang government building.

Read More:  Zubiri apologizes to Inday Badiday’s family

Muli ring niyang sinabi na nakababahalang ine-endorse ni Rodriguez-Padilla ang pagpapa-gluta drip, gayong kalalabas lamang ng warning ng DOH laban dito.

Hindi rin daw dapat ine-endorse ng isang asawa ng senador ang isang bagay na wala namang approval mula sa FDA.

Bago ito – una nang humingi ng paumanhin si Senador Robinhood hinggil sa issue.