Mga effigy, artwork, at mascot sa paggunita ng EDSA Revolution – handa na

Ipinasilip ng iba’t ibang mga grupo ang kanilang mga artworks, placards, mascots, at iba pang effigies na gagamitin para sa magkakasabay na kilos-protesta bukas.

Ito ay para nga sa paggunita ng ika-38 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Ipinakita na nila ang paintings, mga placards, pati na rin ang mascot na kung tawagin ay ‘TUMINDIG’.

Ito ang signature na symbol ng isang artist na si Kevin Eric Raymundo, ‘o mas kilala sa pangalang si Tarantadong Kalbo.

Bago ito – una nang tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na ipatutupd nila ang maximum tolerance sa mga magsasagwa ng programa bukas.

Anila – magde-deploy sila ng mga tauhan, hindi para mabing kalaban ng mga grupo, kun’di para masigurong ligtas din sila sa mga idaraos nilang mga programa.

Umapela naman ang PNP ng kooperasyon, at kapayapaan mula sa mga makikilahok na mga grupo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *