Gilas Girls, nananatiling undefeated sa FIBA U18 Women’s Asia Cup

Tinambakan ng Gilas Pilipinas Girls ang Lebanon sa score na 89-63 na magpapanatiling sa kanilang walang talo sa 2024 FIBA U18 Asia Cup sa Shenzhen, China.

Pinangunahan ni Gabby Ramos ang koponan na may stats na double-double at nagtala ng 12 points,19 rebounds kontra Lebanon.

Read More:  Team Philippines welcomed home after historic 29-medal Asian Games haul

TInalo rin ng Pilipinas ang Maldives sa score na 114-18 kaya nangunguna sa puwesto sa Group B ang Pilipinas na may 2-0 na standing.

Read More:  Alex Eala admits feeling nervous meeting Anna Wintour for the first time

Pinangunahan naman ito ni Naomi Panganiban na nagtala ng 25 points, 7 rebounds, 8 assists, at 4 steals kontra Maldives. (Brigada News Intern – Jaztine Cruz)