Snoop Dogg, nagpabilib sa U.S. Olympics Track and Field

Nagpakitang-gilas ang rapper na si Snoop Dogg sa U.S. Olympics track and field trials sa pamamagitan ng pagsali sa isang 200-meter exhibition.

Nakapagtapos ito ng 34.44 segundo, na kahanga-hanga para sa kanyang edad na 52.

Read More:  Alex Eala continues historic US Open run with dominant victory

Bilang pagpupugay naman kay Kobe Bryant, isinuot niya ang isang tracksuit na may larawan ng manlalaro.

Pinatawa rin niya ang mga manonood sa kanyang masiglang komentaryo tungkol sa steeplechase.

Read More:  PH Boxing Team seeks to end 16-Year Asian Games gold drought

Kilala rin si Snoop sa kanyang Snoop Youth Football League at kasama siya sa NBC Primetime coverage sa Paris Olympics sa susunod na buwan. (Brigada News Intern – Angela Brazas)