David Licauco, makakasama si Maria Ozawa sa isang proyekto

Magiging magkatrabaho sa isang historical action-drama series sina David Licauco at Maria Ozawa.

Maalalang naging katuwaan ang sagot ni David sa kanyang paglahok sa isang game show dahil sa natatangi nitong sagot.

Nang iniharap kasi ng host na si Dingdong Dantes ang tanong kay David na “Ano ang maaring isunod sa pangalang “Maria,” sagot nito ay “Ozawa.”

Agad naman nag trending ang video ni David dahil hindi inaakala ng netizens na ito ang kaniyang isasagot, dahil kilala si Maria bilang isang Japanese adult content creator.

Saad pa ng iba, bakit hindi Maria Clara na lang isinagot ni David, lalo na’t naging parte na rin siya ng seryeng tampok ang mga karakter ng obra ni Jose Rizal na Noli Me Tangere.

Sino ba naman ang mag aakala na magiging magkatrabaho pala sila sa huli? (Brigada News Intern – Michaela De Leon)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *