Gastroenteritis cases sa Baguio City – sumipa pa sa higit 2,000

Umabot na sa 2,199 ang bilang ng lahat ng mga pasyenteng naitalang nabiktima ng acute gastroenteritis sa Baguio City.

Ito ay matapos ang di umano’y pag-inom ng mga ito ng kontaminadong tubig.

Kaugnay nito, matapos ang inilabas na utos ni Mayor Benjamin Magalong na agarang imbestigasyon at testing mga tubig ay lumabas na nagpositibo ang isa sa mga establisyamentong idinaan sa rapid testing ng total dissolved solid (TSD) testers.

Sa kasalukuyan, patuloy pa rin hinihintay ng awtoridad ang resulta ng ilan pang water sample na idinaan sa testing.

Samantala, patuloy naman ding pinaalalahan ng awtoridad ang mga taga-Baguio na tiyaking pakuluin muna ang tap o filtered na tubig bago tuluyang inumin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *