Exportation ng P7M na halaga ng shabu pa-New Zealand, napigilan

Napigilan ng Bureau of Customs Port of Clark ang tangkang pag-export ng P7.507 milyong halaga ng methamphetamine hydrochloride sa isang kargamento na idineklara bilang shaft drive model na patungo sana sa New Zealand.

Nagmula ang nasabing kargamento sa Parañaque City kung saan nakitaan ng kahina-hinalang bagay ang laman nito ng mga tauhan ng X-ray Inspection Project.

Agad itong sumailalim sa K9 sniffing at physical examination, na nagresulta sa pagkakadiskubre ng tatlong pakete ng putting crystalline substance na may timbang na 1,104 gramo.

Sinabi ng BOC nakatago ang mga parapernalya sa shaft drive.

Kinumpirma naman ng Philippine Drug Enforcement Agency na ang mga nakuhang shabu ay isang mapanganib na gamot.

Dahil dito, nag-isyu ng warrant of seizure and detention dahil sa paglabag sa Republic Act No. 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act na may kaugnayan sa RA No.9165.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *