CAMARINES NORTE- Mag- iisang linggo nang nakataas ang gale waring sa karagatang sakop ng Camarines Norte.
Kaya naman ang kabuhayan lalo na ng mga maliliit na mangingisda ay apektado.
Batay sa ipinalabas na Sea Travel Advisory ng Camarines Norte Coast Guard station asahan pa rin ang maalon hanggang sa napakaalong sitwasyon ng karagatan dahil sa Northeast Monsoon.
Kahapon ay umabot sa 9. 1 hanggang 14. 7 feet ang taas ng alon kaya lubhang mapanganib lalo na sa mga maliliit na sasakyang pandagat.
Batay sa Memorandum Circular patungkol sa Guidelines on Movement ng mga bangka hindi pinapayagan ang paglalayag ng mga sasakyang pandagat na 250 gross tons pababa.
Ngayong araw ay asahan pa rin ang maalon hanggang sa napakaalong karagatan na may 9.1 hanggang 16. 4 feet na taas ng alon
Patuloy din ang paalala ng Coast Guard sa mga mangingisda na palaging alamin ang lagay ng panahon at isaisip ang kaligtasan.
Ito ay upang maiwasan ang mga maritime incident lalo na ngayong panahon.
Hindi lang sa laot ramdam ang malakas na alon kundi maging ang mga sumasakay sa pampasaherong bangka sa bayan ng Mercedes.
