CAMARINES NORTE- Pormal nang sisimulan ang Youth Ministry Week bukas, December 9 bilang paghahanda sa National Youth Day sa December 16.
Kasabay nito ay ang pag arangkada ng tinaguriang #PrayerPower para sa nalalapit na National and Local Elections sa Mayo ng susunod na taon.
Magkakaroon ng virtual mass sa ganap na alas 9 ng umaga na pangungunahan ni Diocese of Daet Bishop Rex Andrew Alarcon, Chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines- Episcopal Commission on Youth.
Ang #PrayerPower ay bahagi ng kampanya ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) para sa isang malinis at mapayapang halalan.
Ang misa ay inaasahang dadaluhan ng Diocesan youth ministries and members ng Federation of National Youth Organizations sa pamamagitan ng kani- kanilang Regional Youth Coordinating Council.
Special intention ngayong buwan ang mga kabataan at ang vulnerable members ng lipunan.
Nauna nang sinabi ni Alarcon na mananatiling non- partisan ang simbahan pero pinanindigan nito na hindi magiging “neutral” sa usapin ng mabuti at masama dahil palaging sa mabuti umano ito papanig.
Hindi rin umano pagbabawalan ang mga pari na ihayag ang kanilang saloobin na may kinalaman sa pulitika at sa darating na halalan pero hindi aniya dapat gamitin ang pulpito para sa political motive.
(Photos: CTTO)
