Malapit ng umabot sa isandaang libo ang bilang ng mga naturukan na ng second dose o fully vaccinated na sa lalawigan ng Zambales.
Sa datos ng Provincial Vaccination Center as of October 26, nasa 97, 765 na ang fully vaccinated habang 104, 761 naman ang naturukan ng first dose.
Mas mabilis na ang pagbabakuna ngayon kumpara ng mga nakalipas na buwan dahil na rin sa pagdating ng mga vaccine na agad namang ibinababa sa mga lokal na pamahalaan.
Samantala ang ilang mga bayan ay kasama na rin sa tinuturukan ang Rest of the Adult Population o ROAP.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
