Fuel subsidy para sa mga benepisaryo sa transport sector itinaas sa P13,000

Hindi na muna isusulong ng ilang transport group ang hirit nitong dagdag singil sa pamasahe matapos na mangako ang Department of Transportation na dodoblehin nito ang ibibigay na ayuda sa pamamagitan ng fuel subsidy.

Ito umano ang natalakay sa naging pulong ng Pasang Masda, 1-Utak, Altodap, at ACTO kay Transportation Sec. Arthur Tugade.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Nakumbinsi umano ni Tugade ang grupo na malaki ang magiging epekto sa inflation rate ng bansa kung magkakaroon ng pagtaas sa singil sa pamasahe.

Read More:  Authorities search Angeles subdivision in Bato hunt

Bilang tulong sa transport sektor sinabi ng kalihim na mula P6,500 na fuel subsidy dodoblehin ng gobyerno ang ayuda at gagawin itong P13,000.

Nagdesisyon kasi umano ang gobyerno na taasan din ang pondo para sa fuel subsidy mula sa P2.5-billion papuntang P5-billion.