Senado sinuspendi ang imbestigasyon kaugnay sa nawawalang mga sabungero

Pansamatalang sinuspendi ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs ang imbestigasyon nito kaugnay sa nawawalang mga sabungero.

Ayon kay Senador Ronald Bato dela Rosa ito ay upang bigyan daan ang isinasagawang imbestigasyon ng Criminal Investigation and Detection Group at National Bureau of Investigation sa naturang kaso.

Read More:  Zubiri apologizes to Inday Badiday’s family

Sinabi ni dela Rosa na tumatayong chairman ng komite, maghihintay muna sila ng update sa imbestigasyon ng CIDG at NBI matapos na ipag-utos ni Pangulong Duterte na magkaroon ng malalimang imbestigasyon sa mga nawawalang indibidwal.

Read More:  Palace rebukes Pulong Duterte over criticism of Marcos administration

Handa naman umano ang senador na magpatawag ng pagdinig kung kakailanganin ng CIDG at NBI ang tulong ng senado para ipatawag ang ilang personalidad.

Samantala aminado naman ni Bato na dismayado siya sa desisyon ng Palasyo huwag munang suspendihin ang e-sabong habang nagpapatuloy ang pagsisiyasat sa mga nawawalang sabungero.