Nagulantang ang mga moviegoers sa isang sinehan sa Texas, USA nang gambalain ito ng isang paniki habang nanonood ng pelikulang The Batman.
Sandaling itinigil ang pelikula at tumawag ng animal control ngunit hindi naman nahuli ang paniki.
Ayon sa general manager ng movie house and eatery, wala namang na i-report na nasaktang moviegoer sa nangyaring insidente.
Nag-offer naman ng refund ang management sa kanilang mga customers ngunit karamihan sa kanila’y piniling tapusin ang pelikula.
Sa isinagawang imbestigasyon ng management, natuklasang isang moviegoer ang sadyang nagdala ng paniki sa sinehan bilang prank.
Nangako naman ang management na iinspeksyunin nila nang mabuti mga customer sa susunod na screening.### ALLYZA BALLON, Intern