Pinatalsik ng military leaders ang French Ambassador sa Mali matapos ang komento nito sa transitional government matapos magtagumpay ang kudeta laban sa kanilang Pangulo.
Kaugnay nito ay binigyan lamang ng 72 hours si Ambassador Joel Meyer para umalis sa nasabing bansa.

Ayon kay French Defense Minister Florence Parly, gumagawa ng mga hakbang ang Mali rulers para ma-provoke ang kanilang bansa.
Sinabi ni Foreihn Minister Jean-Yves Le Drian na illigitimate at out of control ang Mali junta.
Una nang nagpahayag ng “concern” ang Western powers hinggil sa lumalawak umanong kaugnayan ng Russia sa dating French colony.
Mayroon ding mga hindi pa kumpirmadong report na daan daang Russian mercenaries ang sinasabing kumikilos sa nasabing bansa.