CAMARINES NORTE- Inilatag ng Philippine Statistics Authority (PSA) katuwang ang iba’t- ibang Lokal na Pamahalaan sa lalawigan ng Camarines Norte ang iba’t- ibang aktibidad para sa pagdiriwang ng Civil Registration Month ngayong Pebrero.
Ayon kay Chief Statistical Specialist Maria Dulce Padayao maraming nakahandang aktibidad para sa month long celebration tulad ng kasalang bayan, mobile registration sa iba’t- ibang munisipyo, seminars and trainings, Quiz at iba pa.
Bilang pag- iingat sa COVID- 19 ay mayroon umanong mga aktibidad na gagawin virtually pero mayroon din namang limitadong bilang ng mga pagtitipon.
Sa mga limited face to face gathering ay ipapatupad ang health protocols.
Ani Padayao maaaring makipag ugnayan sa kanilang opisina o sa mga Local Civil Registrar para sa mga aktibidad ngayong Civil Registration Month lalo na ang pagkakataong libreng maisyuhan ng mga dokumento.
Tema ng selebrasyon ngayong taon ay “Improving Civil Registration and Vital Statistics Implementation Strategies through Digital Transformation.”
Hinimok ni Padayao ang publiko na suportahan ang mga aktibidad patungkol sa selebrasyon at makita ang kahalagahan ng Civil Registration.
Ang pagdriwang ng Civil Registration Month ay sa bisa ng proclamation 682 ni dating Pangulong Corazon Aquino noong January 1991.
