Tiniyak ng Gymnastics Association of the Philippines na nasa mabuting lagay ang pambato ng bansa sa Olympics na si Carlos Yulo mtapos nitong makaranas ng injury sa kaniyang baywang.
Sinabi ni Cynthia Carrion, GAP president, na nagtamo si Yulo ng injury habang nagsasanay ito sa Ariake Gymnastics Center sa Tokyo.
Gayunman, hindi na magagawa ni Yulo ang triple backflip, na maituturing na “highest skill” para sa mga gymnast.

Sinigurado naman ni Carrion na hindi nito maapektuhan ang iba pang moves na kayang gawin ni Yulo.
Aniya, nasa 98-99% pa rin ang tyansa ni Yulo na makuha ang gintong medalya.
Matatandaan na unang sinabi ng gymnatics official na kung magagawa ni Yulo ang triple backflip ay magiging posible para sa kaniya na masungkit ang gintong medalya sa floor exercises.
Mababatid na nakatakdang magsimula ang men’s artistic gymnastic sa July 24 sa Ariake Gymnastics Center.