Foster care service sa barangay, isinusulong ng DSWD 12

KORONADAL CITY- ISINUSULONG ng Department of Social Welfare and Development o DSWD Region 12 ang “Aruga at Kalinga sa mga Bata sa Barangay” na isang stratehiya upang mapaigting ang awareness sa foster care guidelines sa barangay level.

Ang “Aruga at Kalinga sa mga Bata sa Barangay” ay may layuning mapalakas ang implementasyon ng foster care service sa barangay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng hindi bababa sa 10 foster parents na magbibigay ng substitute parental care sa mga inabandona, neglected at mga kabataan na nangangailangan ng temporary parental care.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Kamakailan lamang, nagsagawa ng orientation ang DSWD 12 sa mga city at municipal social welfare officers, mga Sangguniang Bayan members at mga opisyal ng Department of the Interior and Local Government o DILG 12 kaugnay sa naturang programa.

Read More:  11 rescued after pumpboat capsizes near Guimaras

Sa datos ng Adoption Resources and Referral Section, may 29 active cases ng mga kabataan sa rehiyon na inilagay sa ilalim ng foster care.