Vaccination rate sa Daraga, nananatiling mababa – MHO Daraga

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Municipal Health Office (MHO) Daraga na nananatiling mababa ang kanilang vaccination rate sa pediatric group na edad na 5-11 taong gulang na bata.

Base sa inilabas ng datos ng MHO Daraga at Local Government Unit (LGU) nasa 1, 836 mula sa 14, 110 o 13.01%, habang ang edad na 12 – 17 anyos ay mayroon lamang na 11, 932 mula sa 11, 671 o 102% na nabakunahan.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Aabot na rin sa 51, 501 mula sa 57, 948 o 88.9% ang nabakunahan sa edad na 18-59.

Pumalo na rin sa 8,609 mula sa 11,319 o 76% ang nabakunahan na senior citizen.

Umaabot na sa 73, 878 mula sa 95, 048 o 77.7% ang kabuuhang nabakunahan sa bayan ng Daraga.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Nanawagan ngayon ang nasabing ahensya na kailangan hikayatin o kombinsihin nila ang kanilang anak na pediatric group na magpabakuna na upang mapataas ang vaccination rate sa at mabigyan ng proteksyon laban sa COVID-19.

Sinabi ng MHO, kinakailangang mapataas pa ang bakuna ng booster shot na 50% ng populasyon ng Daraga at mapataas rin ang pagpapabakuna sa senior citizen na 90%.