Foreign POGO workers, dapat nang umalis bago ang Oct. 15

Kumikilos na ang binuong Task Force POGO Closure hinggil sa kautusan ni Pangulong Bongbong Marcos na pag ban sa mga POGO sa bansa.

Sa Bagong Pilipinas program, sinabi ni DOJ Usec Felix Ty na nag usap-usap na ang mga bumubuo ng task force partikular ang DOJ, PAOCC, PAGCOR at DOLE kung ano ang ipaprayoridad na hakbang hinggil sa POGO ban.

Read More:  NBI says it has information on Sen. Bato dela Rosa’s location

Kabilang anya sa napagkasunduan ng task force ay ang pagbigay ng palugit sa mga foreign POGO workers ng hanggang October 15 na boluntaryong umalis ng bansa.

Kapag hindi sila nakahabol sa deadline, ida-downgrade ang kanilang 9g visa sa tourist visa, kung saan meron lang sila hanggang katapusan ng taon para umalis ng Pilipinas.

At kapag nagmatigas pa rin ang mga ito na umalis, saka kikilos ang Bureau of Immigration para i-deport na sila pabalik sa kani-kanilang mga bansa.

Read More:  OSG seeks dismissal of Marcos drug test petition

Sa ngayon ayon kay Ty, nasa dalawa hanggang tatlong libo palang na foreign POGO workers ang boluntaryong umalis o nasa proseso na ng voluntary departure.

Malayo pa ito kumpara sa bilang ng DOLE at PAGCOR 20,000-30,000 na mga dayuhang manggagagawa na nagtatrabaho sa legal na POGO sa bansa.