Kailangan munang maibalik ng PNP ang kopya ng warrant of arrest na inilabas ng Pasig RTC kaugnay ng kasong qualified human trafficking laban kay dismissed Bamban mayor Alice Guo.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, matapos nito ay maaari nang maisagawa ang paglilipat ng kustodiya laban sa dating alkalde.
Dahil dito, posibleng sa Lunes na ito maisagawa dahil wala namang pasok ang korte kapag weekend.
Kailangan ding maisumite ang resulta ng x-ray ni Guo dahil sa siksikan ang PDL sa Pasig City Jail.
Nauna rito, sinabi ni BJMP Spokesperson Jail Chief Inspector Jayrex Joseph Bustinera na kinapos na rin ng panahon kahapon kaya’t hindi natuloy ang paglipat kay Guo sa Pasig City Jail.