Election materials, target i-deploy sa March 2025

Target ng Commission on Elections (COMELEC) na simulang i-deploy ang mga election-related material para sa 2025 national and local elections pagsapit ng March 2025.

Ito ang sinabi ni Comelec Spokesperson John Rex Laudiangco sa pagbubukas ng bidding para sa procurement ng deployment ng election-related materials at paraphernalia.

Read More:  SC seeks comment on VP Sara Duterte impeachment vote rule

Ayon kay Laudiangco, target nila ang maagang deployment.

Inaasahan umanong magsisimula ang deployment sa Marso dahil may ipadadalang mga gamit gaya ng mga baterya ng ACM via se0a cargo.

Read More:  PAGASA warns heat index could exceed 52°C in parts of the Philippines

Tatanggapin naman ng mga election officers ang ACMs, habang ang mga ballots ay ibibigay sa mga treasurers ng mga opisina; habang tatanggapin naman ng mga board of canvassers ang consolidation at canvassing system.