Muling isinusulong ng Civil Service Commission sa mga ahensya ng gobyerno ang paggamit ng Flexible Work Arrangement sa kanilang mga tanggapan upang maibsan ang matinding trapiko na nararanasan sa Metro Manila.
Ito ay bilang suporta na rin sa inisyatiba ng Metropolitan Manila Development Authority
na maisaayos ang daloy ng sasakyan sa NCR.
Sinabi ng CSC na binuo ang mga patakaran sa FWA para masigurong epektibo pa ring nakakapagserbisyo ang mga kawani ng gobyerno habang isinasaalang-alang rin ang proteksyon, kaligtasan, at kapakanan sa lahat ng oras.
Matatandaan na inilabas ng CSC ang memo sa FWA noong 2022 bilang transition sa new normal mula sa state of public health emergency.