Pagsenyas ng ama sa anak na nagmamaneho, umantig sa puso ng mga netizens

Pumukaw sa puso ng mga netizens ang isang video compilation ng isang 28-anyos na teacher sa Southern Leyte.

Laman kasi ng video na ito ang pinag-sama samang clips ng kanyang tatay na sumesenyas tuwing ito ay nagmamaneho.

Makikita sa video ang pagsenyas ni Tatay Felix kay Sybill na siyang nagpapahiwatig ng pagdadahan-dahan.

Lagi raw paalala ni Tatay Felix sa kanyang anak na mag-ingat sa kanyang pagmamaneho.