Balitang coup d’etat vs Zubiri, mula raw sa sektor na gustong buwagin ang Senado

Naniniwala si Senador Sonny Angara na hindi nanggaling sa loob ng Senado ang mga umuugong na balitang pagpapaalis sa pwesto kay Senate President Migz Zubiri.

Ayon kay Angara, maaring ang nasa likod nito ay mga sektor na gusto lang silang buwagin sa Senado.

Read More:  Marcos names Rodil Zalameda as new Supreme Court chief justice

Ito ay matapos umano silang makitang solid laban sa isyu ng people’s initiative (PI).

Dagdag pa niya, bihira lang kase na magkaisa ang Senado at makalikom ng 24 unanimous votes mula sa Minority at Majority.

Read More:  PAGASA warns heat index could exceed 52°C in parts of the Philippines

Maalala, una ng sinabi ni Zubiri na isa lang ‘concerted effort’ ng mga gustong ma-discredit ang Senado ang umiikot na balitang coup’d’etat laban sa kanya.