KINILALA ng Guinness Book of World Records ang isang fitness Youtuber at content creator na si Stan Bruininck matapos itong makapagtala ng pinakamaraming nagawang ‘pull-ups’ sa lumilipad na eroplano.
Batay sa ulat, kumasa si Bruininck kasama ang kanyang co-host na si Arjan Albers sa naturang hamon kung saan nagparamihan ang mga ito ng pull ups mula sa nasabing sasakyang panghimpapawid.
Nakapagtala ng 24 na pull ups si Albers sa loob ng isang minuto ngunit nahigitan ito ni Bruininck na nakagawa ng 25 pull ups sa loob ng isang minuto.
Dahil dito, nalamangan niya ang previous record holder ng nasabing titulo nito lamang buwan ng Marso.
Sa kasalukuyan, si Stan Bruininck na ang may hawak ng titulong “Most pull-ups from a helicopter in 1 minute”.### JDR, BNFM BICOL