8 pulis, 21 sibilyan patay sa kilos-protesta sa Seirra Leone

Walong pulis at dalawampu’t isang sibilyan ang nasawi sa marahas na anti-government protests sa Sierra Leone.

Sinabi ni Youth Minister Mohamed Orman Bangura na kabilang sa mga nasawi ang anim na lalaki at dalawang babaeng pulis na brutal na pinatay.

Read More:  At least 5 missing as flash floods strike northern Nepal anew

Ayon sa report, dumagsa sa mga kalsada ang daan-daang protesters para ihayag ang kanilang mga saloobin kaugnau sa tumataas na inflation at ang pagtaas ng cost of living sa kanilang bansa.

Aminado naman si Bangura na hindi pa niya masabi ang tunay na bilang ng mga sibilyan na nasaktan o nasawi sa mga mararahas na protesta.

Read More:  Spain’s housing crisis emerges as key issue in snap election

Kaugnay nito tinawag ni Bangura ang protesta na isang gawaing terorismo dahil sa karahasan.

Una nang nagpatupad ng curfew si Vice President Mohamed Juldeh Jalloh para matigil ang mga protesta.