Fisherman patay sa dinamita

PATAY na ng dumating sa ospital ang isang mangingisda matapos na aksidente itong masabugan ng dinamita sa bahagi ng Bongo Island ng bayan ng Parang sa Maguindanao del Norte kagabi.

Nakilala ang biktimang mangingisda na si Aminudin Darua, 37 anyos, may -asawa na residente rin ng lugar.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

Batay sa pahayag ng kanyang kapatid, alasais ng gabi kagabi habang naghahanda sana sila sa kanilang pangingisda sa karagatan ng Yllana bay nang aksidente umanong masabugan si Aminudin ng hawak-hawak nitong dinamita.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Nagtamo ito ng matinding pinasala sa kanyang dibdib at kamay at dahil sap ag-asang maisasalba pa ito ay agad nilang dinala sa pinakamalapit na ospital partikular sa lungsod pero idineklarang dead on arrival ng mga attending physician.