2 Timbog sa joint PNP Buy-bust operation sa bayan ng Parang, MDN

KULUNGAN ang bagsak ng dalawang mga suspected drug peddler kasunod ng ikinasang buy-bust operation ng pinagsanib na pwersa ng kapulisan sa pangunguna ng mga elemento ng Parang Municipal Police Station kaninang alas 9:00 ng umaga sa Brgy. Making, Parang, Maguindanao del Norte.

Kinilala ni Parang MPS Chief Lt. Col Erwin Tabora ang mga suspek na sina RENELL F LAURIO alias ED, 32 anyos, isang constrruction worker at AKMAD LACOTO, 49, may asawa at kapwa mga residente ng naturang bayan.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Nakumpiska mula sa mga suspek ang drogang may kabuoang bigat na 1.4 grams kasama ng 2 disposable lighters, improvised glass tooter at nabawi ang isang genuine 500-bill na ginamit sa operasyon.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

Sa ngayon ay himas rehas na sa pasilidad ng Parang MPS at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA9165.

Nakatuwang sa operasyon ang tropa ng RDEU BAR, PIU MdN PPO, PSOG, 1st PMFC, RIU15 at PDEU MDN PPO.