‘First 1,000 days’ ng mga bata, hinikayat na tutukan ng mga magulang- NNC Region 2

Hinikayat ng National Nutrition Council (NNC) Region 2 ang mga magulang na pangunahing tutukan at pagtuunan ang ‘first 1,000 days’ ng kanilang mga anak para sa kanilang mas malusog na paglaki.

Ito ang inihayag ni Ma. Gisela Lonzaga, ang nutrition program coordinator ngayong araw, July 6, 2021.

Ang ‘first 1,000 days’ ay tumutukoy sa panahon simula sa araw na ipinagbubuntis hanggang sa 2 taon na ang isang bata kung saan ang kaisipan, katawan at immune system nito ay lumalago at nade-develop.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Ayon kay Nutrition Program Coordinator Lonzaga, pangunahing pinagtutuunan ngayon ng pansin ang paglaban sa malnutrition at pagbibigay ng wastong pag-aalaga sa mga bata.

Binigyang diin niya na ang pagbibigay ng wastong alaga at atensyon sa yugtong ito ng paglaki ng mga bata ay hindi lamang natitiyak ang kanilang physical growth kundi maging ang mental development para lumaking malusog at matalino.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Dagdag pa niya na sa pamamagitan nito ay mababawasan ang problema sa pagtangkad ng mga bata.

Kaugnay nito ay sinabi ni Lonzaga na dapat ang isang ina habang nagbunbuntis ay kumain ng mga masusustansya at wastong dami ng pagkain.

Hinimok din niya ang mga lokal na pamahalaan na tiyaking nabibigyan ng prayoridad ang nutrition proram ng kanilang mga nasasakupan at mag-incest sa kalusugan ng komunidad para sa mas produktibong pamayanan.

Photo/NNC Region 2