87 kls na imported pork na walang kaukulang dokumento, nakumpiska sa Tabuk City

Nakumpiska ng Tabuk Local Price Control Council (LPCC) ang nasa 87 na kilos ng imported pork na walang kaukulang dokumento sa kanilang isinagawang regular meat inspection and monitoring activity.

Ayon kay Dr. Clemencia Cagan ang City Veterinary Services Officer (CVSO), ang naturang mga karne ng baboy ay nakumpiska sa apat na vendor ng Dagupan Public Market matapos bigong makapagprisinta ng karampatang mga dokumento ng hinhinalang mga produktong galing sa foreign sources.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Inihayag naman ni Tabuk City Legal Officer Atty. Arthur Kub-ao ang chairman ng LPCC na kumukuha umano ang mga vendors ng ibebentang karne mula sa national at international market upang matugunan ang demand ng mga mamimili.

Pinaalalahanan naman nito ang mga nagtitinda na suriin kung mayroong tamang dokumento ang mga binibiling karne ng baboy bago ibenta.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Ang mga nakumpiskang karne ay idinala sa kustodiya ng meat inspector.

Samantala, tiniyak naman ng LPCC sa publiko na magpapatuloy ang kanilang pagsusuri sa mga produktong ibinebenta sa lokalidad at istriktong eksaminasyon sa mga naipapasok na meat by-products na walang kaukulang dokumento.

Isa rin umano itong parte ng kanilang pag-iingat upang maiwasan ang pagkalat ng African Swine Fever sa probinsya.