7 sa bawat 10 Pilipino – hindi kumpyansa inflation efforts ng pamahalaan

Karamihan sa mga Pilipino ang hindi sang-ayon sa mga ginagawa ng administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos para resolbahin ang inflation o yung sumisirit pa presyo ng mga produkto at serbisyo.

Ayon sa Pulse Asia survey, hindi bababa sa 73% ang hindi kumpyansa sa mga hakbang ng pamahalaan hinggil sa issue.

Read More:  TOWNS Foundation expresses disappointment over Sen. Legarda’s political move

Higit na mas mataas ito kumpara sa 56% noong September 23.

Mababatid na sa kaparehong pag-aaral – nakakuha ang inflation ng 72% pagdating sa mga pangunahing problema sa bansa.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Maliban sa mga ito, sinasabi pa sa survey na ilan sa mga kailangang solusyonan ng gobyerno ay ang kahirapan, at graft at korapsyon.