BNFM BICOL- Inihayag ng First Catanduanes Electric Cooperative o FICELCO ang naging mga kadahilanan ng naranasang power interruptions ng kanilang mga member consumers sa islang lalawigan nitong nakaraang linggo.
Batay sa anunsiyo ng kooperatiba sakanilang facebook account, nawalan ng suplay ng kuryente ang mga consumers na sakop ng Feeder 3 sa bayan ng San Miguel dahil sa trinabahong bagong linya sa tapat ng NPC substation sa Brgy. Kilikilihan kung kaya’t ito umano ay isang line related na power interruption.
Sa bayan ng San Andres, naranasan naman ng mga resideteng sakop ng FEEDER 6B mula sa Brgy. Mayngaway hanggang sa Brgy. Tariwara sa bayan ng Pandan, ang pagkawala ng kuryente dahil sa naputol na primary line sa bukid sa pagitan ng Brgy. Tubli at Brgy. Dariao sa bayan ng Caramoran, na isa rin umanong line related brown out.
Naisaayos at naibalik ang suplay ng kuryente, bandang alas otso na ng umaga kahapon.
Samantala sa bayan naman ng Panganiban, fuse out ang nakitang deperensya ng mga linemen na rumesponde matapos na mawalan ng kuryente ang mga residenteng sakop naman ng FEEDER 3 ng nasabing bayan. Habang OVERLOADING naman umano ang sanhi ng iba pang naranasang power interruptions sa iba’t-ibang lugar sa Catanduanes.
Paliwanag ng FICELCO, ang pag overload kase umano ng isang makina ay nagiging dahilan upang ma trigger at ma overload din ang iba pang makina at planta kaya nag-reresulta ito sa total black out.
Hindi rin isinantabi ang posibilidad na naapektuhan ng masamang lagay ng panahon nitong weekend dahil sa bagyong Maring ang iba pa nilang linya kung kaya’t siniguro nito sa publiko na isasagawa nila ang pag double check sa mga ito upang maayos kung kinakailangan.###