4 patay, 4 nawawala sa Narra, Palawan dahil sa bagyong Maring

Aabot sa apat na inidbidwal ang naiulat na nasawi habang apat pa ang nawawala matapos maranasan ang matinding pagbaha sa bayan ng Narra Palawan bunsod ng bagyong Maring.

Ayon sa report ng LGU kabilang sa mga naiulat na nawala at patuloy na pinaghahanap hanggang ngayon matapos ang matinding baha sa Brgy. Batang-batang, kahapon, ika- 11 ng Oktubre ay sina Liezyl Esmao, R-Jay Ganancial, Linda Remonsada, Roden Remonsada, pawang mga residente ng naturang barangay.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Mga naiulat naman na nasawi ay sina Ricardo Andres, Juan Dubla , at Melva Dubla mula sa Brgy. Princess Urduja , at isang Jemuel Remonsada ng Brgy. Batang- batang.

Read More:  Romualdez ready to face Ombudsman complaint, says he will answer allegations

Samantala, ngayon umaga ay nasimula na sa paghahanap ang volunteers sa ilog ng Brgy. Batang- batang sa kabila ng masungit na panahon. (BNFM Palawan)