BNFM BICOL—Binigyang linaw ng pamunuan ng First Catanduanes Electric Cooperative o FICELCO na walang kakayahan ang kanilang kooperatiba na magtakda o magdikta ng presyo ng kuryente sakanilang mga member consumers.
Ito ay kasunod ng paglalabas ng naturang kooperatiba ng bagong billing rates na ipapatupad ngayong buwan ng Abril.
Pagbibigay diin ng FICELCO, ang pagtaas ng taripa ay dahil umano sa pagtaas ng singil ng power supplier na aprubado naman ng Energy Regulatory Commission (ERC) partikular ang patungkol sa bagong Subsidized Approved Generation Rate.
Ang pagtaas o pagbaba ng halaga ng kuryente ay naka-depende umano sa pass-on charges tulad ng generation, transmission, taxes, at iba pa na hindi na kontrolado ng kooperatiba.###