BNFM BICOL— Inanunsiyo ng pamunuan ng Albay Police Provincial Office na nasa sampong mga bayan at lungsod sa lalawigan ang napabilang sa ‘red category’ ngayong darating na eleksyon na mas nangangailangan ng dobleng seguridad sa papalapit na halalan.
Sa datus ng Albay PPO na ibinase sa kanilang isinagawang assessment nitong nakalipas na mga halalan, kabilang sa mga nasa red category ang lungsod ng Legazpi at Ligao, maging ang mga bayan ng Daraga, Camalig, Malinao, Tiwi, Jovellar, Manito at Guinobatan.
Nangangahulugan na naitala sa mga lugar na nabanggit ang ilang mga insidente ng kaguluhan at presensya ng mga armadong grupo sa dalawang huling isinagawang eleksyon.
Samantala kaugnay nito, napabilang naman sa yellow category ang mga bayan ng Libon, Bacacay, Malilipot, Polangui, Oas, Rapu-Rapu, Sto. Domingo at lungsod ng Tabaco habang nasa orange category naman ang bayan ng Pioduran.###