FIBA: Gilas, nakatakdang maglaro sa World Cup qualifiers sa New Zealand

Nakatakdang lumipad ang Gilas Pilipinas papuntang New Zealand sa Hulyo para maglaro sa kanilang natitirang FIBA World Cup Asian qualifier games.

Matapos na iwelcome ng Manila ang Group A teams noong Pebrero, ang New Zealand naman ang maghohost ng “bubble,” kung saan ang Tall Blacks, Gilas Pilipinas, at India ay maglalaro para sa June 30 hanggang July 4 window.

Sa gitna nito, makakaharap ng Pilipinas ang India sa July 1 habang July 13 naman ang New Zealand.

Matatandaan na ang fourth team sa Group A, na South Korea ay disqualified na matapos na bigong makapaglaro noong February window dahil sa COVID-19 outbreak sa kanilang squad.