NBA: Frank Vogel, tatanggalin na bilang Lakers head coach?

Inaasahang tatanggalin na umano si Los Angeles Lakers head coach Frank Vogel, matapos matanggal sa playoffs ang kanyang team noong nakaraang linggo, at agad natapos ang 2021-2022 campaign sa 33-49 record.

Kaugnay nito, ipapaalm ng team kay Vogel ang dismissal sa kanya sa Lunes.

Noong 2019 nang ma-hired ito para sa three-year deal, matapos na ibasura ni Tyronn Lue ang alok na mag-coach sa Lakers.

Matapos matalo ang Miami Heat sa anim na laro para makuha ang NBA championship noong 2019-2020, ay natalo naman ang team ni Vogel sa Phoenix Suns sa unang round ng playoffs noong 2020-2021.

Samantala, ang mga injuries umano ang malaking dahilan para sa disappointing season ng Laker, dahil gaya halimbawa kay LeBron James, na naglaro lang ng 56 games dahil sa ankle sprain, ganun rin kay Anthony Davis.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *