Comelec, sinalag ang pre-shaded ballots claim sa Singapore, Dubai

Agad na sinalag ng Commission on Elections ang mga claims ng ilang overseas absentee voters na sila ay nakatanggap ng pre-shaded ballots.

Mababatid na sinabi ni Cheryl Abundo, botante sa Singapore na nakatanggap siya ng pre-shaded ballot na nakalagay sa secrecy folder, kung saan ang mga pangalan nina vice presidential candidate Mayor Sara Duterte at iba pang senatorial bets ay shaded na, pero wala namang naka-shaded para sa pagkapangulo.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Pero ayon kay Abundo, nang abisuhan niya ang mga tao na nagbigay sa kanya ng balota, sinabi sa kanya na ito ay “spoiled ballot” mula noong Linggo o unang araw ng overseas absentee voting, at binigyan umano siya ng bagong balota.

Read More:  Senate minority ready to challenge Marcoleta’s online attendance proposal

Samantala, sinabi naman ni Comelec Commissioner George Garcia na magpupulong ang Task Force Against Fake News para imbestigahan ang naturang alegasyon.