Fans ni Taylor, may samu’t saring reaksyon nang ‘di mapabilang ang PH sa Eras Tour

Naglabas ng iba’t-ibang saloobin ang mga fans ni Taylor Swift matapos na ‘di mapabilang ang Pilipinas sa nadagdag na venues ng kanyang world tour.

Ang The Eras Tour ay mayroong dalawang stop sa Asian leg nito kung saan kabilang lamang ang Singapore at Japan.

Ang nag-iisang stop sa Southeast Asian Tour ay gaganapin mula March 2-4 sa National Stadium sa Singapore.

Samantalang gaganapin naman ng apat na araw na concert sa Tokyo Dome mula February 7-10 ang The Eras Tour sa Japan.

Reaksyon ng isang fan “Sa sobrang laki daw kasi ng utang ng Pilipinas, akala ni Taylor Swift hindi natin afford ang ticket ng concert nya.”

Sabi naman ng isa pang netizen “Kahit kasama ang Pilipinas sa Eras Tour, hindi naman ako makakapunta,”

Samantala, naghayag naman ng kanyang ‘manifestastion’ si Maine Mendoza na nagpost pa sa kanyang Twitter.

“Eras tour in Manila cutie!!! Hihi try lang,” ani ng aktres.

Matatandaan na huling bumisita ang singer-songwriter na si Taylor sa Pilipinas noong June 2014 para sa Red Tour nito.