PDBF Elite Team, makikipag-unahan sa finish line sa Macau International Boat Race

Ready to paddle hard na ang ating Philippine Dragonboat Federation Elite Team para manalo sa upcoming international competitions.

Makikipag-unahan sa finish line ang ating koponan sa 2023 SJM Macao International Dragon Boat Race ngayong araw.

Kabilang sa bumubuo ng team ang walong Bomba Pilipinas Dragonboat Crew na inaasahang masuwerteng numero para maiuwi ang panalo.

Samantala, matapos ang race ngayong araw, sasabak naman ang Dragon Boat team ng bansa sa 2023 Hongkong Dragon Boat Races sa June 24 at 25 para makuha ang inaugural Hong Kong-Macau Trophy.