“Gusto Ko Nang Bumitaw” ni Sheryn Regis, isa raw gay girl anthem

Ibinunyag ng Crystal Voice of Asia na si Sheryn Regis na isang gay girl anthem ang kanyang kantang “Gusto Ko Nang Bumitaw.”

Ang birit-heavy song ay nagkaroon ng pop culture moment noong 2022.

Ngunit bago naging viral ang cover ni Morisette para dito at naging go-to song para sa pag-emote sa TikTok, ang awit ay originally emotional release ni Sheryn para matanggap ang kanyang sexual identity.

Nag-out si Sheryn bilang isang lesbian noong December 2021 at isinapubliko ang kanyang relasyon sa partner na si Mel De Guia.

Ngunit bago ito, ilang taon niya raw tinanong kung sino talaga siya, “Sino ka ba? Why are you denying yourself? I just wanted to let go. Sometimes, I look at myself in the mirror. What I see is Sheryn Regis. But what if I strip that off? Who am I?” sabi niya sa isang panayam.

May time pa raw na nagpagupit siya, nagbihis na parang lalaki at nagka-girlfriend. Pagkatapos noon, ay gusto niya na raw maging girly girl kung saan siya nagkaroon ng boyfriend. And we just let her be,” sabi ni Regis.

Bagamat naging mahirap ang ilang taon para kay Regis, nasa isang mas happier place na raw siya sa 20 taon ng kanyang career.