Face to face transactions sa SSS Daet limitado pa rin

CAMARINES NORTE- Limitado pa rin ang face to face transaction sa SSS Daet Branch dahil sa patuloy na banta ng COVID- 19.

Kaugnay nito ay hinihimok ng ahensiya ang mga miyembro na gamitin ang online channels lalo’t noon pang 2020 ay sinimulan nang ipatupad ang digitalization.

Ayon kay SSS Daet Branch Head Ermina Maria Robredo tumugon lang ang ahensiya sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na i- digitalize ang mga transaction sa opisina sa bisa na rin ng Republic Act 11032 o ang Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018.

Read More:  After armed clash in Negros town, civilian taken into custody, then released

September 2020 sa panahon na rin ng pandemya ay inumpisahan ang digitalization hanggang sa halos lahat ng programa ay online na.

Read More:  ₱876,800 smuggled cigarettes seized; 3 arrested in Lanao del Norte

Aminado si Robredo na may mga hindi komportable sa mga pagbabagong ipinatutupad ng ahensiya pero normal lamang aniya ito.

Ganito daw talaga kapag may ipinatutupad na pagbabago kaya’t mahirap para sa iba.

Gayunman kung masusubukan at matutunan ng mga miyembro ay mas magiging madali umano ang pag proseso ng mga claims.