Tumakas sa border na kolorum na van , huli ng PNP Camarines Sur

NAGA CITY—Hinuli at tiniketan ng Caramoan Municipal Police Station sa Camarines Sur ang driver ng Van na tumakas sa Border Control Point kamakalawa.

Ito ang napagalaman ng Brigada News FM Naga kay PMAJ Jim Jeremias, Chief of Police ng Caramoan MPS.

Ayon kay Jeremias, galing Metro Manila ang kolorum na sasakyan na walang kaukulang dokumento at koordinasyon sa LGU. Napag-alaman din na mayroong sakay na mga returning residents ang van na karamihan ay wala ring kaukulang dokumento.

Read More:  7 arrested in Cebu restobar theft case

Habang inuusisa aniya ng mga nagbabantay sa Border Control Point sa Barangay Maligaya ang naturang sasakyan ay bigla itong nagpaharurot papasok ng Caramoan na agad naman aniyang naitawag sa kanilang himpilan kaya agad nila itong inabangan at nasakote.

Read More:  Drunk passenger stabs fellow bus rider in Cebu

Dahil dito, pinagmulta ang hindi na pinangalanan pang driver na taga Caramoan. Babala ng Hepe ng Pulisya sa Caramoan, na mas lalo pa silang maghihigpit at sisiguraduhing walang makakalusot na sasakyan o indibidwal mula sa labas ng rehiyon na hindi dumadaan sa tamang protocols.