Expired na chocolate, naibenta ng mahigit P30,000

ISANG expired na tsokolate sa England ang naibenta sa halagang £500 British pounds o katumbas ng mahigit P30,000 dahil nagmula pa ito noong nakaraang siglo o mahigit 100  taon na ang nakakaraan.

Batay sa ulat, isang auction ang isinagawa para maibenta ang nasabing expired na tsokolate na natagpuan mula sa isang attic ng bahay sa Lincolnshire.

Ayon sa mga eksperto, ang naturang tsokolate ay pinaniniwalaang bahagi ng kasaysayan ng United Kingdom higit na noong kapanahonan ni Queen Victoria.

Nag komisyon umano ang dating reyna ng isang kompanya para gawin ang naturang tsokolate at ipadala ang mga ito sa mga sundalong Briton na nakikipaglaban noong Boer War taong 1899.

Ang naturang tsokolate na isinilid sa isang lata ay may brand name ni ‘Rowntree’; may larawan ng reyna at nakaukit rin dito ang kanyang “insignia” .

Mga kolektor ng antigong kagamitan; Boer War enthusiasts at iba pa ang sumali sa naturang auction para pag-agawang mabili ang expired na tsokolate.### JDR