Mga menor de edad na walang kasamang guardian, bawal sa selebrasyon ng Mardigras

Pagbabawalang dumalo na selebrasyon ng Mardigras sa Olongapo ang mga menor de edad ng walang kasamang magulang o guardian.

Ito ay para maiwasang maulit ang mga kaguluhan na nangyari sa mga naunang taon ng pagdiriwang na madalas kinasasangkutan ng mga kabataan.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Ayon kay Olongapo City Police Operations Chief Pmaj. Edmer Gloria, kailangang maging maayos at iwas sa gulo ang aktibidad lalo’t tiyak na marami ang dadalo pagkatapos na maipagpaliban ng dalawang taon dahil sa pandemya.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Ang Mardigras ay taunang selebrasyon na inoorganisa ng mga negosyante sa lungsod na ang bahagi ng kikitain mula dito ay ibinibigay sa city government.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO