Ex-sen. Leila De Lima, umapela ng mahigpit na pagpapatupad ng immigration laws sa gitna ng isyu ni Bamban Mayor Alice Guo

Iginiit ni dating senador at Justice secretary Leila de Lima na dapat gumawa ng ‘proactive stance’ ang Department of Justice at ang ilan pang ahensya laban sa mga Chinese criminal syndicates.

Ito ay kasunod ng kumpirmasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) na nag-match ang fingerprints ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, at ng isang ‘Guo Hua Ping.’

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Ani de Lima, dapat magpatupad na rin ang bansa ng immigration laws laban sa naturang mga sindikato para matigil na ang ginagawa nilang mga iligal na aktibidad.

Read More:  Sara Duterte vows never to resign as impeachment trial advances

Binigyang-diin ng dating mambabatas – national security na ang nakataya rito.

Naniniwala naman ito na sapat ang batas sa immigration para habulin ang mga sindikatong Chinese.

Ang kailangan lang aniya ay gamitin at ipatupad ito nang tapat at masigasig.